DHSUD, magtatayo ng housing units para sa higit 12-K residente ng Caloocan City

DHSUD, magtatayo ng housing units para sa higit 12-K residente ng Caloocan City

MAGTATAYO ng housing units para sa higit 12-K residente ng Caloocan City ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Lumagda ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City ng memorandum of agreement (MOA) katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magbibigay daan para sa paggawa ng housing units para sa mahigit 12,000 na pamilya.

Sinabi ni DHSUD Secretary Rizalino Acuzar na ang housing projects ay bubuuin ng 24 na gusali at itatayo ito sa lugar ng Bankers at Deparo, Caloocan City.

Ani Acuzar, inaasahang masosolusyunan ng proyekto ang problema sa kabahayan ng nasa mahigit 20 porsiyento ng mga residente ng Caloocan City.

Ayon din kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na lumagda sa MOA, kasama si Calocan City Mayor Dale Gonzalo Malapitan, ang nasabing kasunduan ay pangako na rin ng Pag-IBIG upang matapos ang proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter