DHSUD, nasa P8.8-M pa lang ang nagamit na shelter assistance

DHSUD, nasa P8.8-M pa lang ang nagamit na shelter assistance

NASA P8.8-M pa lang mula sa P200-M na inilaan para sa shelter assistance tuwing may kalamidad ang nagamit ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa pahayag ni DHSUD Usec. Randy Escolango, ang P8.8M ay nagamit para sa ilang fire incidents.

Pinoproseso na rin naman sa ngayon ang request kaugnay sa Bagyong Carina na tumama sa bansa noong Hulyo.

Iyon nga lang, wala pang ibinahagi ang DHSUD hinggil sa Bagyong Enteng.

Sa shelter assistance ng DHSUD, mabibigyan ng P15-K cash assistance ang mga pamilya na nawalan ng bahay dahil sa mga kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble