Dickie Bachman, nanumpa na bilang PSC chairman

Dickie Bachman, nanumpa na bilang PSC chairman

OPISYAL nang nanumpa si Richard “Dickie” Bachman bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Malacañang.

Nanumpa si Executive Secretary Lucas Bersamin at siya na ang ika-12 na chairman ng Sports Agency.

Bago ang oath-taking ni Bachman ay nag-report na ito sa PSC office upang magtrabaho at ininspeksyon ang mga pasilidad ng sports complex kabilang na ang Rizal Memorial Coliseum, tennis court, baseball stadium, swimming pool, multi-purpose gym at squash center.

Pinili si Bachman ni President Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong PSC chairman noong December 28 kapalit ni Noli Eala.

Dating team governor si Bachman ng Alaska Aces sa PBA, commissioner din ito ng PBA 3×3 tournament, at commissioner ng UAAP Basketball Tournaments para sa Season 85.

Follow SMNI NEWS in Twitter