DICT Broadband ng Masa, opisyal nang inilunsad sa Antique

DICT Broadband ng Masa, opisyal nang inilunsad sa Antique

ASAHAN na mas madali nang ma-access ang internet sa Antique matapos inilunsad ang DICT Broadband ng Masa sa lugar.

Si Pol Vincent de Guzman, 3rd year masscom student ng University of Antique (UA) ay hirap magawa ang kanyang mga research assignment dahil sa pasulpot-sulpot na internet data sa paaralan.

“Minsan di na namin magamit sa tama ang aming oras, kailangan namin umakyat sa taas para makakuha ng magandang connection,” ani Pol Vincent de Guzman, student, University of Antique (UA).

Kahit sa kanilang bahay sa kalapit na bayan, kwento ni Pol, ay pahirapan pa rin ang data connection.

 “Inaakyat ko yung medyo upper part ng bundok. Kasi yung lugar namin is lambak. Mahirap makasagap ng signal. Kaya inaakyat ko yung upper part ng bundok para makahagilap ng mgandang signal. Kaya nga lang minsan nawawala po talaga,” dagdag ni De Guzman.

Si Pol ay isa lamang sa sobra 20 libong estudyante sa UA na namomroblema sa internet connection.

Liban sa mga estudyante, ang mga guro sa UA ay namomroblema rin.

“There are also who stay here in the campus, we require them to report, we have the face recognition. They encountered a lot of problems sa connectivity. They prefer to go home and have their online class at home because according to them their connectivity there is more efficient compared in UA (University of Antique),” ayon kay Nelly Mistio, VP for Admin and Finance, University of Antique (UA).

Ang problema ng mga estudyante at guro sa mabagal na koneksyon sa internet ay asahan na matutuldukan na rin matapos inilunsad ang DICT Broadband ng Masa sa Lugar.

Ang Broadband ng Masa ay ang libreng WiFi program ng pamahalaan.

Ang paglulunsad nito sa Antique ay pinangunahan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.

Sa Broadband ng Masa Program ng DICT ay magkakaroon ng libreng WiFi sa 150 lugar sa Antique.

Maging ang 5 campus ng University of Antique na kinabibilangan ng Sibalom, Tario Lim, Libertad, Caluya Campus, and Hamtic Campusay ay magkakaroon din.

Sa bawat free WiFi site ay magkakaroon ng 3 access points.

Ibig sabihin, may 450 free WiFi access points sa probinsya.

Sa huli ay siniguro ni Sec. Uy na ang libreng WiFi ay hindi maabuso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter