TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na bago magtapos ang taong 2023, makapagpatayo sila ng 15,000 free Wi-Fi sites sa buong bansa.
Ito ay bahagi ng Free Wife Project ng Marcos administration para sa mga hirap sa internet access o ang tinatawag nilang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Bilang bahagi ng kanilang inisyatibang ito, nakipagsanib-puwersa ang DICT sa ComClark, ang parent company ng Converge ICT Solutions Inc.
Umaga ng Martes, nang magkaroon ng ceremonial turnover ang ahensiya at ang ComClark ng mga equipment tulad ng satellite communications, fiber technology at satellite communications on the move terminals para sa mahigit 2,000 GIDA sites sa buong bansa.
25,000 internet sites, target ng DICT para sa taong 2023
Mayroon nang mahigit walong libong free Wi-Fi sites sa bansa at patuloy itong madaragdagan sa susunod na taon.
Ayon naman kay DICT Sec. Ivan John Uy, ang connectivity ang lifeblood para sa digitalization kaya aabutin aniya ng kanilang programa ang lahat ng mga area na hirap pa rin sa internet access.
Pero aminado ang kalihim, kailangan pa ring magkaroon ng sapat na pondo para dito.
Kung sakaling kukulangin sila ng pondo, kailangan nilang humigi ng supplemental budget.
Mga Wi-Fi beneficiary ng DICT, umaasa na magkakaroon ng self-regulation sa paggamit ng internet
Umaasa rin ito na hindi aabuso o hindi magkakaroon ng congestion sa paggamit ng free Wi-Fi sa mga lugar na nakabitan nila.
Saad ni Uy, hangga’t maari aniya iwasan nila ang pag-access ng Wi-Fi para sa panonood ng pelikula online.