DICT, magsi-setup ng one-stop shop para sa pagkuha ng NBI clearance na gagamitin sa SIM registration

DICT, magsi-setup ng one-stop shop para sa pagkuha ng NBI clearance na gagamitin sa SIM registration

NAKIKIPAG-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Department of Justice (DOJ) para sa pagsi-setup ng one-stop shop sa mga malalayong lugar.

Dito sa one-stop shop, sinabi ni DICT spokesperson Undersecretary Anna Mae Yu-Lamentillo na maaaring i-secure ng mamamayan ang kanilang mga NBI clearance na puwede nilang magamit sa pagpaparehistro ng kanilang SIM card.

Saysay ni Lamentillo, sa katunayan nagkaroon sila ng inter-agency ad hoc committee meeting kasama ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Ito ay para sa pagsasapinal ng mga panuntunan hinggil sa rollout ng SIM registration sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs).

 

Follow SMNI News on Twitter