TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mabilis nilang maipatupad ang mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang ahensya.
Isa na aniya dito ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy sa panayam ng SMNI News ang digitalization gaya ng sa Department of Migrant Workers (DMW).
Kaugnay ito sa mas pinabilis na pagrelease ng overseas employment certificate.
Layunin din ng DICT ang mabigyan ng kaukulang sistema ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na nagnenegosyo sa pamamagitan ng e-commerce platform simula nang magkaroon ng pandemya.
Samantala, noong nakaraang araw ay aprubado na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang registration ng Starlink Internet Services Philippines Incorporated sa Northern Luzon.
Dahil dito, naibahagi ni Sec. Uy na posibleng dalhin ni Elon Musk ang Tesla dito sa Pilipinas.
Si Elon Musk ay siya ring may-ari ng Starlink.
Mula rito, umaasa si Sec. Uy na mas lalago at dadami na ang mag-iinvest sa bansa.