WALANG pondo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para panglaban sa cyber criminals.
Sa nagdaang pagdinig para sa 2023 proposed national budget ng DICT, sinabi ni Sec. Ivan John Uy na walang intelligence fund ang ahensya para sa 2023.
Taong 2019 at 2020 pa aniya nagkaroon ng intelligence funds ang ahensya na may P400 million at P800 million na budget.
Ngunit noong 2021 at ngayong taon, bokya na ang intel funds ng ahensya.
Panawagan naman ni Sec. Uy sa Kongreso na lagyan ng pondo ang cyber crime efforts ng DICT dahil sa dami ng naglilipanang modus ng cyber criminals at mga computer at mobile scams.
“Sa dami po ng reklamo regarding sa mga cyber scams, sa mga computer crime, sa child exploitation and pornography po eh medyo may kailangan rin po kaming intel, cyber intelligence capacity,” saad ni Uy.