Digital channels ng ABS-CBN at operasyon ng Sky Direct ng Sky Cable, pinahinto

Digital channels ng ABS-CBN at operasyon ng Sky Direct ng Sky Cable, pinahinto

NAGLABAS na ng kautusan ang National Telecommunications Communication (NTC) na nagpapatigil sa pag-ere ng mga digital channels ng ABS-CBN at ang operasyon ng Sky Direct ng Sky Cable.

 

Inilabas ang alias cease and desist order o CDO para sa pagpapahinto ng digital transmission ng ABS-CBN gamit ang Channel 43.

 

Isang CDO rin ang inisyu ng NTC para ipatigil ang direct broadcast satellite service ng Sky Cable Corp.

 

Giit ng NTC parehong nagpaso ang gamit na mga prangkisa ng ABS-CBN at affiliate nito na Sky Cable.

 

Nagpahayag naman ng kahandaan sa pagtalima ang ABS-CBN sa naturang kautusan ng NTC.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.