MAY person of interest na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Sa press briefing, inilabas na ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang malinaw na larawan ng suspected gunman sa pagpatay kay Lapid.
Nanawagan naman si Abalos sa suspek na sumuko na para na rin sa kanyang kaligtasan bago pa siya pag-initan ng mastermind ng krimen.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Police Brigadier General Jonnel Estomo na palalakasin nila ang “Oplan Sita” at checkpoint para sa mga motorsiklo at sasakyan lalo na ang walang plaka.
Nagbigay na rin aniya ang PNP ng security sa pamilya ng pinatay na mamamahayag.
Sa ngayon ay may alok na p1.5 milyong reward sa sinumang makakapagbigay impormasyon para maaresto ang suspek.