Digital Transformation Bills, uunahing ipasa ng Kamara

Digital Transformation Bills, uunahing ipasa ng Kamara

TINIYAK ni House Speaker Martin Romualdez na uunahin nilang ipasa sa Kamara ang tinaguriang ‘Digital Transformation Bills’ para maipagpatuloy ang gains ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Switzerland.

Kasama ni Pangulong Marcos si Speaker Romualdez sa Davos at personal na nasaksihan ang highlights ng mga talumpati ng Chief Executive sa harap ng business leaders sa World Economic Forum (WEF).

Sa pagbabalik sesyon sa susunod na linggo, uunahin ng Kamara ani Romualdez ang E-Government at E-Governance Act para mapabilis ang digital transformation sa mga serbisyo ng pamahalaan.

“Upon the resumption of the session, among the top priorities of the House is the passage of the E-Government and E-Governance Act, which would help accelerate our digital transformation to fuel growth momentum,” diin nito.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos sa WEF na ang digitalization ang isa sa magiging susi para ma-sustain ang growth momentum ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter