Digitalization sa COMELEC itutulak ng isang bagong komisyuner

Digitalization sa COMELEC itutulak ng isang bagong komisyuner

INIHAYAG ni COMELEC Commissioner Nelson Celis na nakalinya sa direktiba ni PangulongFerdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kaniyang magiging direksyon bilang bagong komisyuner.

Ayon kay Celis, itutulak nito na magkaroon ng digitalization sa mga programa at proseso sa komisyon.

Aniya gaya ng sinabi ni Pangulong Marcos, dapat silang makapagpalabas ng mga programang nauukol sa batas tungkol sa electronic government, electronic governance, at electronic commerce.

Sinabi naman nito na ang Registration Anywhere na bagong programa ng komisyon ay isang area para sa digitalization.

Punto nito na ang digitalization ay nakabase sa Automated Election Law.

Follow SMNI NEWS in Twitter