DILG at NAPOLCOM, suspendido ang trabaho ngayong araw

SUSPENDIDO ang pasok ng central offices ng Department of Interior and Local Government at National Police Commission ngayong araw.

Ito ay para bigyang-daan ang isasagawang disinfection sa gusali bilang bahagi ng kanilang preventive measure laban sa COVID-19.

Sa public address kagabi sa Malakanyang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inilagay nito sa community quarantine ang buong Metro Manila dahil na rin sa naitalang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang lungsod nito.

Sa ngayon, umabot na sa 52 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan lima rito ay nasawi kabilang ang isang Chinese national at 4 na Pilipino.

“Work from home” arrangement, dapat nang ipatupad ayon – VP Robredo

Iginiit ni Vice Pres. Leni Robredo na panahon na para ipatupad ng mga kompanya ang “work from home” arrangement dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa isang video message, sinabi ni Robredo na hindi sapat ang ipatutupad na “four-day workweek” para maibsan ang banta ng pagkalat ng sakit.

Ayon sa bise presidente, kung hindi maiiwasan at talagang kailangan ay dapat magpatupad na lamang ng skeletal staffing ang mga kompanya.

Aniya, dapat din sundin ang payo ng mga eksperto hinggil sa social distancing bilang pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkakahawa ng virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.