DILG at PNP, wala pang desisyon kung isasapubliko ang pangalan ng mga pulis na mapatutunayang sangkot sa iligal na droga

DILG at PNP, wala pang desisyon kung isasapubliko ang pangalan ng mga pulis na mapatutunayang sangkot sa iligal na droga

HANGGANG ngayon, wala pa ring malinaw na pag-uusap ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa planong pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga narco cop sa loob ng organisasyon. pulis.

Ito’y sa kabila ng mabilis na pagtugon ng mga pulis sa courtesy resignation deal ng DILG sa kanila.

Batay sa datos, 24 na miyembro ng third level officers ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Sa kanyang pagharap sa media, araw ng Lunes, lumilitaw na tila hindi pa rin buo ang desisyon ng PNP at DILG kung isasapubliko o hindi ang mga pangalan ng mga pulis na mapatutunayang sangkot sa ipinagbabawal na droga.

Matatandaang, sinabi noon ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., na pabor siya na isapubliko ang mga pangalan ng mga kasamahan nitong sangkot sa illegal drugs sa ilalim ng rekomendasyon ng bubuuing 5 man committee.

Sa huli nitong pahayag sa Kampo Krame, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na magdidepende ang pagsasapubliko sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga kung papayagan ng evaluation committee at ng National Police Commission na ipaalam sa taumbayan ang mga narco cops.

Samantala, aminado rin ang dalawang ahensiya na hindi pa sila nakakapagdesisyon kung ano ang mangyayari sa mga natitira pang police officers na magmamatigas at hindi tatalima sa kanilang panawagan hanggang sa katapusan ngayong Enero.

Follow SMNI NEWS in Twitter