DILG Chief binisita ang burol ng pulis na napatay sa Maguindanao del Norte

DILG Chief binisita ang burol ng pulis na napatay sa Maguindanao del Norte

BINISITA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules ng hapon ang burol ng isang pulis ng Maguindanao del Norte na napatay noong Huwebes, Mayo 2, 2024.

Napatay si Police Captain Ronald Arnold Moralde habang tinatangka nitong dinis-armahan ang suspek na si Mohiden Ramalan Untal matapos makita ang isang pistol na nakasukbit sa kaniyang baywang habang nasa palengke sa Parang, Maguindanao del Norte.

Sa pagbisita, iniharap ni Abalos sa pamilya ng PCPT Moralde, ibinigay ang Special Financial Assistance mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang tanda ng suporta sa kaniyang pagtupad ng tungkulin at ginawaran din ng Medal of Honor si PCPT Moralde ng promoted bilang isang Police Major.

Kasama ni Abalos ang ilang opisyal na sina PNP Director General Sidney S. Hernia, Director General ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) at iba pang matataas na opisyal ng organisasyon ng pulisya upang mag-alay ng kanilang pakikiramay at suporta sa naulilang pamilya.

Follow SMNI NEWS on Twitter