HINIMOK ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang local government units (LGU) na bumalangkas ng kanilang local anti-drug plan of action (LADPA) at barangay anti-drug plan of action (BADPA) na tumutugon sa pangangailangan ng kanilang lokalidad.
Ito ay ilang araw bago ang grand launch ng flagship campaign ng DILG laban sa iligal na droga na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.
Ayon kay Abalos, kailangan isama ng LGUs sa kanilang LADPA o BADPA ang mga inisyatiba na magpapalakas sa kampanya laban sa iligal na droga at tukuyin ang mga programa at aktibidad na paglalaanan ng pondo.
Sa DILG Memorandum Circular No. 2022-141, inatasan ni Abalos ang mga provincial at city/municipal local chief executives (LCEs) na dapat bumuo ng 2023-2025 LADPA sa unang 200-araw nila sa puwesto.