DILG, ipinag-utos sa PNP na higpitan ang seguridad sa paligid ng gunman ni Lapid

DILG, ipinag-utos sa PNP na higpitan ang seguridad sa paligid ng gunman ni Lapid

IPINAG-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na higpitan ang security measures para matiyak ang kaligtasan ni Joel Escorial, ang umamin na gunman ng radio journalist na si Percy Lapid.

Ayon kay Abalos, inaatasan niya ang PNP na higpitan ang pagbabantay kay Joel Escorial pagkatapos ng insidente sa kanyang mga contact sa Bilibid.

Sinabi ni Abalos na ang pagkamatay ng middleman ay maaaring maging hadlang sa pag-unlad at posibleng mabilis na pagresolba ng high-profile na kaso.

Dagdag pa nito na ang nangyaring insidente ay mag-uudyok sa DILG at PNP na magsumikap upang matiyak ang resolusyon ng kaso ng pagpatay at mabigyan ng hustisya ang pamilya ni Percy Lapid.

 

Follow SMNI News on Twitter