DILG, iprinisinta ang 8 CTGs surrenderees

DILG, iprinisinta ang 8 CTGs surrenderees

NASA 8 miyembro ng CTGs ang iprinisinta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw, Biyernes.

Pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang presentasyon sa PNP Headquarters, Camp Crame, Quezon City.

Batay sa impormasyon, 5 ang tumatayong mga kumander ng malalaking grupo ng CPP-NPA-NDF at 3 ay pawang mga miyembro ng kilusan.

Giit ng DILG, malayo na ang naabot ng anti-insurgency program ng pamahalaan at malapit na ring matapos ang problemang ito kaugnay sa peace and order campaign ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter