DILG, itinutulak ang pagbibigay ng libreng antigen test

DILG, itinutulak ang pagbibigay ng libreng antigen test

ITINUTULAK ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng libreng antigen test sa mga Pilipino lalo na sa mga lugar na may mataas ng kaso ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni DILG Undersecretary for Barangay Operations Martin Diño.

Ani Diño, tinitingnan ngayon ang posibilidad nang pagkakaroon ng home antigen testing kasama ang Department of Health (DOH).

“The DOH is set to release the guidelines for home antigen by next week,” ani Diño.

Sa kabila nito, maaaring tumaas ang presyo at demand ng mga antigen testing kit sa mga susunod na araw dahil mas mura ito sa RT-PCR at iba pang COVID-19 tests.

Hinikayat din ni Diño ang mga Pilipino na magpasuri sa mga government hospital na nagbibigay ng libreng test lalo na ngayon na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Pagsasagawa ng antigen tests, dapat professional health workers lang —DOH

PROFESSIONAL healthcare workers ang dapat nagsasagawa ng antigen tests.

Sa kasalukuyan, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang inaprubahan ang Food and Drug Administration (FDA) na self-testing kits laban sa COVID-19.

Dahil dito, inaaanyayahan ni Vergeire ang lahat na sakaling may nararanasang sintomas ng COVID-19, agarang lumapit sa mga medical professionals para masuri.

Sa usaping pagbibigay permiso sa self-testing kits, bukas naman ang FDA para sa aplikasyon ng special certification ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter