DILG, kinilala ang mga outstanding LGUs sa Manila Bay rehabilitation at mga sumunod sa fisheries code

DILG, kinilala ang mga outstanding LGUs sa Manila Bay rehabilitation at mga sumunod sa fisheries code

HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Local Government Units (LGUs) na patuloy na protektahan ang mga coastal areas at aquatic resources.

Ito ay kasabay ng paggawad ng DILG ng Manila Bayani Awards and Incentives (MBAI) at Fisheries Compliance Audit (FISHCA) Awards sa mga outstanding LGU para sa kanilang kontribusyon sa rehabilitasyon at pagprotekta sa Manila Bay Watershed at pagsunod sa Philippine Fisheries Code.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., 8 LGUs ang tumanggap ng prestigious MBAI Award at 5 ang kinilala sa pamamagitan ng FISHCA Award.

Sinabi ni Abalos na ang pagkakapanalo ng mga LGU na ito ay testamento ng kanilang pagsisikap na protektahan ang karagatan at natural resources ng bansa.

Gayunpaman, iginiit ng kalihim na marami pang dapat gawin lalo na ngayong nahaharap sa banta ng climate change.

Follow SMNI NEWS in Twitter