DILG, makikiisa sa pagbibigay ng ayuda sa mamamayan

MAKIKIISA ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagbibigay ng ayuda sa mamamayan sa gitna ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Ito ay alinsunod sa bagong batas na “Bayanihan to Heal as One Act” na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 23, na kung saan ay tatanggap ang halos 18 milyong low income families ng P5,000-P8,000 monthly allowances.

Sa panayam ng SMNI News kay DILG Sec. Eduardo Año, pangungunahan ng ahensya katuwang ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa pagbibigay ng ayuda sa loob ng 2 buwan.

Dagdag pa rito, susuportahan din umano nito ang Department of Health (DOH) sa pag-identify ng mga lugar na maaaring gamitin para lagyan ng mga pui’s at mga positive patients ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Magiging katuwang din ang DILG sa pagpapanatili ng public order.

“Pagpapanatili ng public order, importante talaga, kailangan ang Armed Forces, ang Philippine National Police, ang LGUS ay very visible para walang magti-take advantage. Ayaw nating may magaganap na loothing o yung tinatawag nating lawlessness. So gagawin natin lahat iyan.”  Ang tinig ni Sec. Eduardo Año

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.