DILG: Mga Day Care at Health Centers, buksan sa araw ng halalan para sa mga botanteng may anak

DILG: Mga Day Care at Health Centers, buksan sa araw ng halalan para sa mga botanteng may anak

Maynila, Pilipinas – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na buksan ang kanilang mga Day Care at Health Centers sa darating na Mayo 12 Midterm Elections.

Layunin ng panawagan na mapagaan ang pagboto ng mga magulang na may bitbit na maliliit na anak, upang makaboto nang maayos, ligtas, at walang abala.

Ayon kay DILG Undersecretary Marlo Iringan, bukod sa magiging temporaryong child care areas, maaari ring gamitin ang mga health center bilang unang tugon kung sakaling may emergency na medikal sa mismong araw ng halalan.

“Ito po ay isang hakbang para mapadali ang pagboto, lalo na para sa mga magulang na walang mapag-iwanan ng kanilang mga anak,” ani Iringan sa isang panayam.

Inaasahan ng DILG ang aktibong pakikiisa ng mga LGU para masiguro ang inclusive at accessible na halalan para sa lahat ng sektor, kabilang ang mga may alagang bata.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble