DILG, nagkomento matapos bawasan ang pondo ng NTF-ELCAC

DILG, nagkomento matapos bawasan ang pondo ng NTF-ELCAC

“PILITING pagkasyahin”

Ganito na lamang ang naging reaksiyon ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. matapos bawasan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pondo ng NTF-ELCAC.

Ani Abalos, tuloy pa rin ang mga programa ng pamahalaan para sa mga karampatang tulong sa mga nagsisipagbalik-loob sa pamahalaan.

Bagamat lumiit man ang pondo para sa barangay development program hindi pa rin aniya maaapektuhan ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumuko na at huwag nang babalik sa kilusan.

Biyernes, Enero 13, personal na pinangunahan ni Abalos ang presentasyon ng pagsuko ng 8 na mga dating lider ng CPP-NPA-NDF sa mga awtoridad.

 

Follow SMNI News on Twitter