DILG, nais maresolba ang mga poll-related complaints bago ang May 9 elections

DILG, nais maresolba ang mga poll-related complaints bago ang May 9 elections

UMAASA si Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mareresolba ng COMELEC ang mga reklamo kaugnay sa election offenses bago mag Mayo 9, araw ng halalan.

Ayon kay Año, nais nilang mailabas ang mga resolusyon ng mga kaso bago ang May 9 hangga’t maaga para malaman agad ito ng publiko.

Sinabi ng DILG chief na marami nang nai-refer ang ahensya sa COMELEC na mga reklamo ukol sa umano’y vote buying incidents maging ang sinasabing paggamit ng government resources sa pangangampanya na paglabag sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Binigyang-diin ni Año ang kahalagahan ng agarang pagre-report ng mga naturang insidente at pagsasampa ng mga reklamo na may ebidensya para sa mabilis na pagresolba ng kaso.