DILG nirerekomenda ang pagsuspinde ng klase sa Luzon dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Kristine

DILG nirerekomenda ang pagsuspinde ng klase sa Luzon dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Kristine

NAGBIGAY na ng abiso ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) sa buong Luzon na suspendihin ang klase sa lahat ng antas – sa mga pampubliko at pribadong paaralan, bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Kristine.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na ang naturang rekomendasyon ay para sa araw ng Martes at Miyerkules,  Oktubre 22 o 23.

“Preschool to college, lahat. Pati preschool to college, public and private, yes.”

“Okay, I have to make this clear. Ang DILG has no power to suspend classes, so we recommend to them to suspend classes.”

“Pero marami na, marami nang nagsuspend, marami na,” pahayag ni Sec. Jonvic Remulla, DILG.

Inihayag pa ng kalihim na inalerto at pinaghahanda na ang lahat ng lokal na pamahalaan at lahat ng yunit ng civil defense “Ang expected ng height ng storm is midday tomorrow. I think from midnight to midday tomorrow so I already advised them to suspend classes and to prepare all leaders to respond.”

“All units have been mobilized, all local government units have been informed.”

“And that goes also with the cancelling all sea crafts from traversing the Luzon area,” dagdag nito.

Kaugnay rito, nagdeklara nang walang pasok sa mga paaralan ang ilang lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

Nag-suspinde na rin ng klase ang iba pang lalawigan sa Luzon.

Base sa Weather Bulletin ng DOST-PAGASA, kabilang ang Metro Manila sa mga lugar sa bansa na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.

Alinsunod sa DepEd Order 37, awtomatikong suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School sa mga pampublikong paaralan tuwing nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1, 2, 3, 4 o 5.

Nagpaalala naman ang pamahalaan sa mga residente na kung maaari manatili lang sa mga tahanan.

Inaabisuhan din ang lahat na maghanda at mag-ingat lalo na sa mga lugar na namemeligro sa landslide at mga pagbaha sa paghagupit ng Bagyong Kristine.

Samantala, tiniyak ng DILG chief na nakahanda na ang evacuation areas maging ang relief goods para sa mga maaapektuhan ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble