PINAPURIHAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagkumpiska ng 84 loose firearms pati mga ammunition mula sa tahanan ng isang pinaghihinalaang miyembro ng Taiwanese crime syndicate sa Makati City kagabi.
Ayon sa kalihim, ang operasyon ay pinangunahan ng CIDG sa bisa ng search warrant sa tahanan ni Jiang Zhang Xiadong a.k.a. “Liu Ming Chung” na diumano’y sangkot sa iba’t ibang criminal operations tulad ng illegal narcotics at telecom fraud operations.
Kasama sa nakumpiska ay 13 rifles, 7 submachine guns, 65 handguns, mga ammunition at iba pang gun accessories. Hindi naaresto sa operasyon si Xiadong.
Arestado rin sa naturang operasyon sina Wu Jheng Long, Chen Chien-Ning, Yang Zong Bao at Chen Chun-Yu na pawang mga pugante at undocumented aliens na sangkot sa iba’t ibang krimen sa Taiwan at Pilipinas.