DILG, PNP at mga pribadong kompanya, pipirma ng MOU kontra ilegal na droga

DILG, PNP at mga pribadong kompanya, pipirma ng MOU kontra ilegal na droga

PANGUNGUNAHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kasama ang ilang top business corporations ng bansa ang isang memorandum of understanding (MOU) sa layong sugpuin ang problema ng ilegal na droga sa Pilipinas.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, inaasahang mapapalawig pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at matigil nang tuluyan ang demand dito.

Nakapaloob din sa kasunduan ang paglahok sa mandatory drug testing sa mga empleyado ng mga kompanyang ito at pakikiisa sa iba’t ibang anti-drug activities ng pamahalaan.

Nauna nang ipinagmalaki ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. na matagumpay ang kampanya ng pamahalaan sa ilalim ng bagong proyekto nito na pinangalanang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program na umiikot ngayon sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter