PORMAL nang inilunsad ang bagong anti-drug campaign ng pamahalaan ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang programa na tinawag na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (Bida Program) ay tututok sa mga isyu simula sa grassroots level ng pamayanan.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, maihahalintulad ang problema sa iligal na droga sa isang puno kung saan kaliwa’t kanan ang nahuhuli.
Subalit ang nangyayari ay may pumapalit lang gaya ng mga sanga ng puno kung kaya’t mas tutukan ngayon sa ‘Bida Program’ ang grassroots levels.
Magiging katuwang ng DILG sa ‘Bida Program’ ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at Department of Trade and Industry (DTI).