DILG sa publiko: Tulungan ang LGUs na masugpo ang ilegal na kalakaran sa eleksiyon

DILG sa publiko: Tulungan ang LGUs na masugpo ang ilegal na kalakaran sa eleksiyon

HINIKAYAT ni Interior Secretary Benhur Abalos ang publiko na tulungan ang local government units (LGUs) at Commission on Elections (COMELEC) na masugpo ang mga ilegal na kalakaran tuwing eleksiyon.

Ang pahayag na ito ni Abalos ay kasunod ng papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa darating na Oktubre 30.

Maliban dito, inatasan din ni Abalos ang mga LGU na bigyan ang COMELEC ng mga kinakailangang kagamitan para matanggal ang mga ilegal na campaign materials at pagtalaga ng mga LGU personnel na tutulong sa poll body sa panahon ng kampanya.

Ito ay alinsunod sa Section 240 of COMELEC Resolution No. 10924 na kung saan labag sa batas ang pag-imprenta, pag-publish, pag-post at pamamahagi ng anumang uri ng campaign materials na walang pangalan ng nagbabayad o kandidato na makikinabang sa propaganda ng halalan na ipinalabas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble