NAKAHANDA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na maimbistigahan para patunayang malinis ito at walang kinalaman sa isyu ng iligal na droga.
Tugon ito sa usapin ng posibleng isali ang lahat ng public servants kasunod ng ginawang hamon ng DILG na courtesy resignation sa Philippine National Police (PNP).
Aniya, mainam na maipakita mismo ng mga politiko at lider sa bansa na walang halong iregularidad ang pagsisilbi nila sa bayan.
Hakbang din ito upang maiwasan at matigil na ang duda ng publiko sa mga politiko na kadalasa’y sangkot sa paggamit, pagbibenta at distribusyon ng ipinagbabawal na gamot.
Matatandaang, kasalukuyan nang gumugulong ang hamon ng ahensiya sa mga matataas na opisyal ng PNP para sa kanilang boluntaryong pagbibitiw kung sa tingin ng mga ito ay sangkot sila sa isyu ng iligal na droga.