NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Ayon kay Abalos, sa ngayon ay maayos ang kanyang sitwasyon at walang nararanasang sintomas.
Magsasagawa na rin aniya ng contact tracing at ipaaalam ang kanyang kondisyon sa kanyang mga nakasalamuha.
Matatandaang sunod-sunod ang aktibidad, presscons at mga pagbisita na isinagawa ni Abalos simula pa noong nakaraang linggo.
Kabilang dito ang pagbisita sa burol at pagsagawa ng presscon ukol sa pagpatay kay radio broadcaster Percy Lapid at paglunsad ng multisectoral anti-drug campaign ng DILG.
Bumisita rin ito sa PNP Custodial Center at nagsagawa ng presscon sa tangkang paghostage kay dating Senador Leila de Lima.