DILG Sec. Abalos, pinarangalan ang 5 rescuers na nasawi sa Bulacan

DILG Sec. Abalos, pinarangalan ang 5 rescuers na nasawi sa Bulacan

PINARANGALAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin “Benhur’ Abalos, Jr. ang limang rescuers na nasawi sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding sa Bulacan.

Nagpaabot ng pakikiramay si Abalos sa pamilya ng mga nasawi na sina Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, Marvy Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRRMO).

Aniya pa, ang pagbubuwis ng sariling buhay ay ang totoong pagtugon sa tungkulin at pagbibigay ng tunay na public service.

Mababatid na nasawi ang limang rescuers nitong Linggo matapos natamaan ang mga ito ng gumuhong pader nang papunta sila sa kanilang rescue mission.

Follow SMNI NEWS in Twitter