MULING nagpositibo sa COVID-19 si Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ito na ang ikatlong beses na tinamaan ng nakakahawang sakit ang kalihim.
Sa isang pahayag, sinabi ni Año na nagpositibo siya sa COVID-19 noong Lunes matapos magpositibo rin sa sakit ang ilan sa kanyang close contacts.
Sa ngayon aniya ay asymptomatic siya at patuloy ang pagtatrabaho habang naka-isolate.
Hinimok naman ni Año ang lahat na magpabakuna na at magpabooster shot sa lalong madaling panahon at patuloy na sumunod sa health protocols.