DILG Secretary Eduardo Año, nagpaalam na sa pulisya

DILG Secretary Eduardo Año, nagpaalam na sa pulisya

NAGPAALAM na si Interior Secretary Eduardo Año sa hanay ng pulisya.

Sa flag raising ceremony sa Camp Crame, pinasalamatan nito ang mga pulis sa pagtupad sa tungkulin sa kabila ng mga kinakaharap na hamon ng kanilang organisasyon.

Nanawagan si Año sa pulisya na suportahan ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at gawin ang kanilang misyon lalo na sa paglaban sa iligal na droga.

Pinasalamatan din nito ang mga nagsilbing hepe ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno tulad nina retired General at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, retired Generals Oscar Albayalde, Archie Gamboa, Camilo Cascolan, Debold Sinas, Guillermo Eleazar, Dionardo Carlos at PNP OIC Lieutenant General Vicente Danao Jr.

Si Año ay papalitan ni incoming Interior Secretary Benhur Abalos na itinalaga ni President-elect Marcos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter