Dimples Romana, nagkaroon ng birthday party kasama ang mga street children

Dimples Romana, nagkaroon ng birthday party kasama ang mga street children

IPINAGDIWANG ni Filipina actress Dimples Romana ang kanyang birthday kasama ang mga street children sa ilalim ng pangangalaga ng He Cares Mission Street Children Caring Center Inc.

Ang He Cares Mission Street Children Caring Center Inc., ay isang institusyong nangangalaga sa mga batang kalye.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Dimples ang mga pictures sa naganap na feeding program at children’s party ng mga street children.

Laking pasasalamat naman ni Dimples sa Diyos lalong-lalo na sa mga taong sumuporta sa kanya.

Dagdag pa ni Dimples, sa pamamagitan ng mga mata ng mga nasabing bata na sumisimbolo ng bagong pag-asa ay naging tema ng kanyang ika-38 na kaarawan.

Follow SMNI NEWS in Twitter