Dine-in restaurants, salon at iba pa, balik-operasyon sa ilalim ng GCQ

Dine-in restaurants, salon at iba pa, balik-operasyon sa ilalim ng GCQ

BALIK-operasyon na ang dine-in restaurants, salons, barbershops, gyms at iba pa sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).

Ito ang kinumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez.

Sa ilalim ng GCQ, maaaring mag-operate ang mga dine-in restaurant 50% sa kanilang kapasidad.

Sa kabila nito, dapat magtalaga ng health committee ang mga nasabing negosyo na siyang makikipag-ugnayan sa gobyerno hinggil sa mga pinatutupad na protocol ng gobyerno.

Pwede na ring magkaroon ng religious services pero hanggang 30% lang.

Habang nananatiling ipinagbabawal ang mga maraming pagtitipon-tipon, mga entertainment at amusement para sa mga bata.

Samantala, balik-operasyon na rin simula bukas, Agosto 19 ang MRT-3, LRT-1, LRT-2 at Philippine National Railways matapos isailalim sa GCQ ang NCR.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng tatlong railway system ang lahat ng kanilang mga pasahero hinggil sa mandatory na pagsusuot ng face shield at mask maging ang umiiral na health protocols para iwas sa COVID-19.

Hindi papapasukin ng istasyon at pasasakayin ng tren ang mga commuters na hindi nakasuot ng face mask at face shield.

Magugunita na Agosto 4 nang suspendihin ang train services matapos magpatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region bilang tugon sa apela ng medical community para makapagpahinga mula sa lumolobong bilang ng kaso ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.