Dingdong Dantes, itinuturing na miracle workers ang mga ina

Dingdong Dantes, itinuturing na miracle workers ang mga ina

ITINUTURING ni Dingdong Dantes na miracle workers ang mga ina.

“Sa inyo ang aking boto.”

Ito ang naging advance Mother’s Day message ng aktor na si Dingdong Dantes bilang pagpapakita ng kanyang pagpapahalaga sa mga ina.

Paliwanag ng aktor, hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga ina sa kanilang pamilya dahil handa ang mga itong makipagsapalaran, makipaglaban at ipagpaliban ang kanilang sariling kapakanan para sa mga mahal nila.

Itinuturing din niya itong miracle workers dahil halimbawa sa pera, kahit kapos ay magaling ang mga itong magbudget.

Lahat din aniyang sakit ay tinitiis basta lang umangat ang buhay ng kanilang pamilya.

Dahil dito, hinikayat ni Dingdong ang lahat na pahalagahan ang lahat na mga ina dahil sila aniya ang totoong dakila.

Follow SMNI NEWS in Twitter