MULING magbabalik on-screen ang actor at television host na si Dingdong Dantes, matapos ang 3 taong matapos ang pandemya.
Kasalukuyang nagsimula nang magtaping si Dingdong para sa kaniyang murder-mystery primetime series na “Royal Blood” at maging ang pelikula nitong “Firefly”.
Maliban sa pagbabalik sa pag-arte, plano rin ng aktor na makabalik sa pagpo-produce ng mga pelikula ngayong taon upang makatulong aniya sa pagpapasigla ng lokal film sa bansa.
Umaasa rin ang aktor na muling mahihikayat ang mga Pilipino sa pagtangkilik sa mga local Filipino films.