Dingdong Dantes, nagbigay ng paalala sa mga botante

Dingdong Dantes, nagbigay ng paalala sa mga botante

NAGBIGAY ng paalala ang aktor na si Dingdong Dantes sa mga botante.

Habang papalapit na ang araw ng eleksiyon, marami sa mga nasa show business ang nagbibigay ng suporta sa kanilang kandidato.

Ngunit sa aktor na si Dingdong Dantes, nagbigay lamang ito ng advice sa mga botante.

Sa isang panayam, sinabi ni Dingdong na napakaimportante ang mangyayaring halalan ngayon.

Kaya dapat lang aniya ang mga botante ay susuporta sa pinapaniwalaan nilang makapagbibigay at makapagresolba sa mga problema na naidulot ng pandemya.

Hinikayat din nito na tignan ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa kamay ng kanilang ihahalal.

Sa huli, sinabi ni Dingdong na ang pagpili ng iboboto ay magpapakita sa kanilang values at representasyon sa kanilang paniniwala.

Follow SMNI NEWS in Twitter