Dinukot na Taiwanese, narescue ng PNP-AKG sa Parañaque City

Taiwanese dinukot, narescue ng PNP-AKG sa Paranaque City. Nailigtas ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa kanilang isinagawang operasyon ang dinukot na Taiwanese National sa Paranaque City.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief of Police General Debold Sinas na isinagawa ang rescue operation matapos silang makatanggap ng mga ulat ukol sa nasabing insidente.

Ang dinukot na Taiwanese ay kinilala na si Wu Keng Hao.

Ayon kay Sinas, inabutan ng mga awtoridad ang biktima na mag-isa sa loob ng silid sa isang gusali sa Parañaque City at walang nagbabantay na mga suspek.

Tiniyak naman ng PNP Chief na kanilang iimbestigahan ang kaso at patuloy ang manhunt operation laban sa mga kidnappers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.