Diplomatic community, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng dating Pangulong Aquino

Diplomatic community, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng dating Pangulong Aquino

NAGPAABOT ng kanilang pakikiramay ang diplomatic community sa pagpanaw ng dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kabilang dito sina Charge d’Affaires ng United States Embassy sa Pilipinas na si John Law, British Ambassador to Manila Daniel Pruce, Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson,at dating German Federal President Joachim Gauck at Federal Chancellor Angela Merkel.

Inalala at pinasalamatan ng mga ito ang pakikipag-ugnayan ng yumaong pangulo sa naturang mga bansa para sa kapakanan ng Pilipinas.

Matatandaang si dating Pangulong Aquino ang nagpalalim ng relasyon sa Asya at sa kanyang pagsisikap na maitaguyod ang internasyonal na ugnayan ng Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.