Direct flight sa pagitan ng Tel-Aviv at Manila kada linggo, isinusulong ng Tourism Minister ng Israel

Direct flight sa pagitan ng Tel-Aviv at Manila kada linggo, isinusulong ng Tourism Minister ng Israel

NASA Pilipinas si Israeli Tourism Minister Haim Katz para sa kaniyang tatlong araw na official visit sa bansa.

Sa unang araw ng kaniyang pagbisita, siya ay nakipagkita kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.

Nilagdaan ng dalawang opisyal ang isang joint declaration of intent na naglalayong mapalakas ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa pagdating sa pagpapabuti ng sektor ng turismo.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Katz ang nais niya na magkaroon ng direct flight sa pagitan ng Tel-Aviv at Manila na aniya ay makatutulong sa pagpapalago ng turismo ng Pilipinas.

“The potential is big if we have the direct flights. I think it’s about 100,000 tourists a year that can come from Israel to dive in the Philippines. But we need the direct flight,” pahayag ni Haim Katz, Minister of Tourism, Israel.

Ayon kay Frasco, ang pinaplanong direct flight sa pagitan ng dalawang bansa ay matagal nang napag-uusapan.

“This is a matter that has been on the table for some time in the case of our national flag carrier Philippine Airlines. I express that we will relay the continued interest of Israel for direct flights,” wika ni Sec. Christina Garcia-Frasco, Department of Tourism.

Nasa ika-33 pwesto ang Israel pagdating sa top source market ng turismo sa Pilipinas.

Sabi ni Frasco, higit-kumulang 14,000 na Israeli ang pumupunta sa bansa kada taon para mag-diving.

“We view Israel as an opportunity markets especially that the Philippines offers tourism products that are attractive and popular with the Israeli market including and especially our dive tourism,” dagdag ni Frasco.

“The Israeli people love to travel around the world and Philippines is an attractive country,” ayon kay Haim Katz, Minister of Tourism, Israel.

Kaugnay niyan ay patuloy na pinabubuti ng Department of Tourism ang diving tourism sa Pilipinas.

Nito lamang nakaraang buwan ay inilunsad ng ahensiya ang kauna-kaunahang Philippine Dive Experience sa Anilao, Batangas.

Sa ikaanim na sunud-sunod na taon ay patuloy na kinikilala ang Pilipinas bilang World’s Leading Diving Destination sa World Travel Awards.

Alert Level 2 sa Israel, nananatili pa rin—DFA

Samantala, ngayong taon ay nakapagtala ang Israel ng higit 39,000 na mga Pinoy na bumisita sa kanilang bansa.

Pero ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa naturang bansa dahil sa nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East.

Sabi ng DFA, kinakailangan muna silang magsagawa ng assessment para malaman kung maaari na bang maibaba ang alert level sa Israel.

“We have to have an actual visit to Israel to really to really be certain about the security situation. It cannot be done in a snap. It should be done carefully,” saad ni Asec. Marlowe Miranda, Department of Foreign Affairs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble