NAIS ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na maibalik na ang direct flights ng tatlong major airlines sa pagitan ng Iloilo at Singapore gayundin ang Hong Kong.
Ito ang nakasaad sa liham na ipinadala ni Mayor Treñas via email sa Cebu Pacific Air, Philippine Airlines at AirAsia Philippines.
Kasabay nito, inihayag ni Treñas ang pasasalamat sa tatlong major airlines na nagbibigay ng mura at kumbinyenteng air travel options para sa mga Ilonggo.
Binigyang-diin din ni Treñas ang tumataas na demand ng mga serbisyo ng airlines dahil sa marami na ang gustong maglakbay matapos ang COVID-19 pandemic.
Nabatid na ang mga liham ay naka-address kina Kirk Warren Patricio, Airport Performance Manager ng Iloilo Ground Operations Department sa Cebu Pacific Air; Capt. Stanley ng, President and Chief Operating Officer ng Philippine Airlines; at Ricky Isla, Chief Executive Officer ng AirAsia Philippines.