Direct flights sa pagitan ng Davao at Bangkok, sisimulan na ng Cebu Pacific

Direct flights sa pagitan ng Davao at Bangkok, sisimulan na ng Cebu Pacific

SIMULA Oktubre 28, 2024, sisimulan na ang pag-o-operate ng Cebu Pacific ng tatlong beses sa isang linggo ng direct flights sa pagitan ng Davao at Bangkok.

Ito’y upang mas lalong magbigay ng kaginhawaan sa mga manlalakbay na nais magtungo sa Thailand mula Mindanao.

Bukod sa bagong international route, magbubukas na rin ang Cebu Pacific ng ruta nito ng biyaheng Balikan Davao-Caticlan sa Oktubre 27, 2024.

Sisimulan na rin ang pagbubukas ng ruta ng CEB sa pagitan ng Davao at Tacloban sa Oktubre 29, 2024 na may biyaheng tatlong beses sa isang linggo.

Sabi naman ni CEB President and Chief Commercial Officer Xander Lao, sabik ang kanilang kompanya sa pagbabalik ng kanilang international flights at pagdagdag ng mga domestic flight mula sa pinakamalaking lungsod sa Mindanao.

Sinabi rin ng opisyal sa pamamagitan ng malawak na network ng Cebu Pacific at value-for-money fares, mas maraming manlalakbay mula sa Davao ang matutuklasan na ngayon kung ano ang iniaalok ng Pilipinas at iba pang bahagi ng mundo.

“We are excited to restore international flights and operate additional domestic routes from our hub in Mindanao. Through Cebu Pacific’s extensive network and value-for-money fares, more travelers from Davao will now be able to discover what the Philippines and the rest of the world has to offer,” ayon kay Xander Lao, CEB President and Chief Commercial Officer.

Upang mas lalong mahikayat sa paglalakbay, ang CEB ay patuloy na nag-aalok ng seat sale hanggang Agosto 15, 2024 na kasingbaba sa halagang PHP 1 one-way base fare, hindi kasali ang fees at charges.

Ang panahon ng paglalakbay ay mula Oktubre 21, 2024 hanggang Marso 31, 2025.

Maaaring gamitin ng mga pasahero ang kanilang credit o debit cards at e-wallets at gamitin ang existing travel funds para mag-book ng flights at mag-avail ng iba pang mga add-on.

Murang pamasahe sa halagang P88, iniaalok ngayon ng Cebu Pacific

Bukod pa rito may alok din ang Cebu Pacific na murang pamasahe sa halagang P88.

Mula Agosto 7-12, 2024, ang mga pasahero ay maaaring mag-book ng mga flight para sa mga piling domestic at international na destinasyon na kasing baba ng P88 one-way base fare.

Ang travel period ay mula Oktubre 1, 2024 hanggang Marso 31, 2025.

Sa pinakamalawak na domestic network ng CEB at ang mababang pamasahe ay ginawang mas abot-kaya, kaya naman ang mga manlalakbay ay mayroon na ngayong mas maraming dahilan upang matuklasan ang kagandahan ng Pilipinas.

Kasalukuyang lumilipad ang CEB sa 35 domestic at 26 na internasyonal na destinasyon na kumalat sa buong Asia, Australia, at Middle East.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble