MATAPOS ang dalawampung taon maaari nang direktang bumiyahe sa pagitan ng Manila at Paris sa pamamagitan ng Air France kung saan aabot na lamang sa humigit-kumulang labing apat hanggang labinlimang oras ang biyahe.
Ayon sa Department of Tourism, umaasa sila na sa pagbabalik ng nasabing direct flight ay madadagdagan ang bilang ng mga turista mula sa France na bibisita sa Pilipinas.
Batay sa datos ng DOT, umabot na sa higit limampu’t limang libo na tourist arrival ang naitala mula sa bansang France.
Sa ngayon, pumapangalawa ang France sa mga bansa sa European Union na may pinakamaraming tourist arrivals sa Pilipinas.