INARESTO ng Israeli Forces ang head ng Al-Shifa Hospital sa Gaza City.
Maliban pa rito ay naaresto rin ang mga doktor at dalawang nurse.
Naaresto ang mga ito partikular na ang hospital director dahil sa mga ebidensiya na ginagamit ang Shifa Hospital sa operasyon ng Hamas militant group.
Sa panig ng Hamas, kinondena nila ang pagkaaresto ng mga ito at nananawagan ito sa International Committee of the Red Cross na asikasuhin ang agarang pagpapalaya nila.