Director ng SAF binisita ang sugatang SAF personnel matapos ang engkuwentro sa Tawi-Tawi

Director ng SAF binisita ang sugatang SAF personnel matapos ang engkuwentro sa Tawi-Tawi

BINISITA ni Special Action Force (SAF) Acting Director PBGen. Mark Pespes ang sugatang personnel ng SAF na kasalukuyang nagpapagaling sa Ciudad Medical Hospital Zamboanga sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Ang nasabing personnel ay nasagutan kasunod ng ginawang matagumpay na counterterrorism operation na nagresulta sa pagkasawi ng kanilang target na isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group na si Udon Hasim sa Brgy. Lahay-Lahay, Tandubas, Tawi-Tawi.

Sa kaniyang pagbisita, pinuri ni PBGen. Pespes ang naturang personnel ng SAF dahil sa katapangan at dedikasyon nito sa kaniyang mandato kahit pa nalagay sa alanganin ang kaniyang buhay.

Sa huli siniguro ng opisyal ang buong suporta sa kanilang unit at binigyang-diin ang importansiya ng kanilang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble