Direk Darryl Yap, bad trip sa mga crew ng PAL dahil nagtsitsismisan daw habang naka-duty

Direk Darryl Yap, bad trip sa mga crew ng PAL dahil nagtsitsismisan daw habang naka-duty

HINDI nakapagpigil ang direktor ng “Maid In Malacañang” na maglabas ng kanyang hinaing laban sa ilang staff ng Philippine Airline (PAL) company.

Sa Facebook post ng kilalang direktor, pinuna nito ang ingay ng mga nagchichikahang crew ng airline na nakakaistorbo na sa mga pasahero.

Patama rin ng direktor, sa lakas ng mga bunganga ng mga magtsismisan, alam na ng mga pasahero ang mga pinagdaanan nito these past few days at isang baby din raw ang umiyak dahil hindi nakatulog.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens na magcomment sa kanilang mga hinaing din sa naturang post ng direktor kabilang na dito si “Maid In Malacañang” cast Karla Estrada.

Sa mismong post ni Darryl Yap ay nag-sorry naman ang PAL sa ginawa ng kanilang crew at sinigurong aaksyunan ang reklamo ni Yap.

Follow SMNI NEWS in Twitter