MAGSISIMULA ang tatlong beses kada linggong biyahe tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa Marso a-trentay uno ngayong taon.
Ang Cebu Pacific ang magiging kaisa-isang airline na mag-aalok ng non-stop flights sa pagitan ng Iloilo at Bangkok.
Ito na ang ikatlong international destination ng Cebu Pacific mula sa Iloilo, kasunod ng Hong Kong at Singapore.
Para mas maging kaaya-aya ang paglulunsad ng bagong ruta, mag-aalok ang Cebu Pacific ng murang pamasahe na one peso one-way base fare (hindi pa kasama ang fees at surcharges) mula Pebrero a-dose hanggang a-dise sais ngayong taon.
Ang travel period ay mula Marso a-trentay uno hanggang Oktubre a-bente singko ng taon.
Maaaring gamitin ng mga pasahero ang kanilang travel fund at iba pang paraan ng pagbabayad gaya ng credit/debit cards at e-wallets.
Inaasahang mas maraming turista ang pupunta sa Thailand dahil sa mas abot-kaya at accessible na biyahe.