Disbarment case laban kay Sec. Harry Roque, ibinasura ng Korte Suprema

Disbarment case laban kay Sec. Harry Roque, ibinasura ng Korte Suprema

IBINASURA ng Korte Suprema ang disbarment case na inihain laban kay Presidential Spokesperson at Atty. Harry Roque at sa kasama nitong si Romel Bagares.

Sa dalawang pahinang ruling ni Supreme Court First Division Clerk of Court Librada Buena, walang nakitang merito ang petisyon na inihain ni Marlyn Salo laban kina Roque at Bagares.

Nag-ugat ang reklamo laban sa dalawang abogado dahil sa umano’y paglabag ng mga ito sa Code of Professional Responsibility.

Ayon sa reklamo, dinumihan ni Roque ang reputasyon ni Kabayan Rep. Ron Salo at ng kapatid nito nang sabihing tumanggap umano ang mambabatas ng suhol at ginamit umano ito sa pagpapatayo ng bahay ng kapatid.

Samantala nakasaad naman sa desisyon ng korte na bigo ang mga complainant na ipakita na ang mga respondent ay hindi angkop na pagkatiwalaan sa tungkulin at responsibilidad na may kaugnayan sa pagiging abogado.

 

SMNI NEWS